‘Itigil ang pangha-harass at interogasyon’

“Mariin kong kinokondena ang patuloy na military operations sa komunidad namin sa Lianga, Surigao del Sur ngayong panahon ng pandemya. Itigil ang pangha-harass at interogasyon sa mga tao sa komunidad ng Han-ayan at Km. 16. Matindi ang nilalabag ng pulisya at militar sa iligal na pagpasok nila sa komunidad.

Sa simula pa lang pagdating ng mga militar sa komunidad noong Agosto 2019, ginulo na ang maayos at mapayapang pamumuhay ng mga kapatid kong lumad. Nilabag din nila ang mga polisiya sa ilalim ng GCQ–walang naka-face mask at walang social distancing.”

The post ‘Itigil ang pangha-harass at interogasyon’ appeared first on Kodao Productions.

Facebook Comments