Jeepney sa Paglaya

Ni ROMMEL ‘PIPOY’ F. LINOTOC 

Jeepney ng Bayan, ikaw ay kasaysayan
Jeepney ng Bayan, buhay ko
Kay daming pangarap, naging katuparan
Ikaw ang saksi’t sinasakyan
Bakit ngayon, ika’y pababayaan
Gobyerno’y walang pakialam
Pamilyang umaasa, ngayon ay gutom na
Nanlilimos na lang sa kalsada
O jeepney ng bayan , tayo ay babangon
Kakaunin natin, taumbayan
Bubusina tayo upang manindigan
Sa Katarunga’t Karapatan
O jeepney ng Bayan, aarangkada
Bibiyahe tayo sa paglaya…

(https://www.bulatlat.com)

The post Jeepney sa Paglaya appeared first on Bulatlat.

Facebook Comments