30.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024
Home Blog Page 830

Duterte wages war against Reds

0

President Rodrigo Duterte has waged war against progressive communists but the revolutionary forces and the people are ready to fight back, Communist Party of the Philippines (CPP) founding chair Jose Maria Sison asserted on Saturday.

Mga kontradiksiyon sa Citizen Jake

Matapang. Mapanuri. Makabuluhan.

Marami ng pelikulang nagtangkang ilantad ang bulok na sistemang pampulitika sa bansa pero wala na marahil tatapat sa tapang ni Mike de Leon na tawirin ang “fiction” patungo sa “fact”. “Truth is stranger than fiction”, ika nga, at pinatunayan ito ni direk Mike sa kanyang pelikulang Citizen Jake na pinagbidahan ni Atom Araullo kasama ang mga batikang artistang sina Cherie Gil, Teroy Guzman, Gabby Eigenmann, Lou Veloso, Nonie Buencamino, atbp.

Walang pagtatangka sa bahagi ni direk Mike na ikubli pa ang galit nito sa “conjugal dictatotorship” ng Marcoses, kasabay ng pahiwatig na hanggang sa rehimen ni Duterte ay nagpapatuloy ang walang patumanggang karahasan (impunity) at pang-aabuso ng kapangyarihan.

Ipinakita ng Citizen Jake ang iba’t ibang anyo ng pang-aapi at kahayupan – pagpatay, pagtortyur, panlalansi, blackmail, pang-aabuso at paglapastangan sa kababaihan – na kayang gawin ng mga masalapi at makapangyarihan sa karaniwang mamamayan, ngunit kasabay ding tumutupok sa relasyon ng mga miyembro ng pamilya ng mga may sinasabi sa lipunan, naghahari man o naghahari-harian.

Kaya naman si Jake Herrera (Atom Araullo), peryodista at blogger, ay piniling dumistansya sa kanyang pamilya at, sa halip na mag-astang heredero, ay di mapigilang ilantad ang kinamumuhiang baho at katiwalian ng ama (Teroy Guzman), na kroni ni Marcos. Kaysa matulad sa kapatid (Gabby Eigenmann) na iniidolo ang pamilyang Corleone sa The Godfather, lumayo si Jake dito.

Larawan ni Jeffrey Tictic, mula sa FB page ng Citizen Jake.

Larawan ni Jeffrey Tictic, mula sa FB page ng Citizen Jake.

Walang sinasanto at walang kinikilalang batas ang ama at kapatid ni Jake, ngunit tulad ng mayayamang angkan sa lipunan si Jake din naman ay nababahiran ng mga pribelehiyo ng uring ito. Hanggang sa puntong ilagay niya ang batas sa kanyang mga kamay nang pinatay ang matalik na kaibigan, at pumatay din siya nang walang pananagutan.

Lipos ng kontradiksyon ang Citizen Jake— sa pagitan ng mayaman at mahirap, sa amo at utusan, sa tatay at mga anak, sa kapatid sa kapatid, sa relasyong mag-asawa, sa mamasan at mga puta, sa pulitiko at huwes. Masasalaman at masasalamin ng manonood ang sarili sa mga karakter sa telon. Maging ang mga aktibista o progresibo ay mapapakislot sa papel at makabayang tula ni Lou Veloso.

Gayunman ang paglutas ng kontradiksyon ay hindi mo makikita sa paraang ikatutuwa ng manonood. Bagkus, ang tatambad ay punto-de-bistang petiburges– ang paghahanap ng hustisya na nauwi sa pananahimik, paglayo, pag-iwas, pagtanggi, pagsisinungaling, pagdadalawang-loob, pananamlay, pagpapadala sa takot, pag-upa ng kriminal para tapusin ang kalaban, o agarang mahiganti. Paglalarawan ito ng karakter o katangian ng middle-class, at kung ito ang layunin o sukatan, matagumpay itong nagawa ng Citizen Jake.

Sa makitid na mundong ito ang pagtatagumpay ng biktima ay wari bang kawangis ng demonyong umapi sa kanya. Pinakamalinaw na inilarawan ito ng karakter ni Cherie Gil, na mula sa pagiging starlet na inabuso ng pulitiko ay umakyat sa alta-sosyedad sa pagiging mamasan at nagbulid sa maraming kabataan sa prosti-tuition.

Sa loob ng mahigit dalawang oras, ipininta ni direk Mike ang likaw ng bituka ng lipunang Pilipino, na hanggang ngayon, sa kabila ng maraming administrasyon at pangako ng mga pulitiko, ay walang pagbabago. Isang pelikulang naglalantad ng kalupitan at kabulukan sa makasining na paraan. Isang pelikulang ang tumatambad ay totoong buhay.

Hindi ito mangyayari kung wala ang mga batikang artista na gumanap ng iba’t ibang karakter at eksena. Si Atom Araullo, sa kabila ng pagiging bagito, ay nagpamalas ng potensyal laluna sa ilang piling eksena, liban pa sa malakas na screen presence na humahatak ng buong atensyon ng manonood sa istoryang umiinog sa kanya. Naging bahagi rin siya ng pagsusulat ng iskrip ng pelikula.

Hindi nagtatapos sa sinehan ang Citizen Jake. Tulad ng iba pang obra ni Mike de Leon ito ay patuloy na pag-uusapan, at sana’y hindi lamang ng mga kritiko kundi ng mga manonood mismo.

Elementaryang paalala mula kay Bob

I. Bulaang propeta

Ang katotohanan ay matatagpuan sa mga detalye. Marahil isa ito sa mga sanggunian kong palagi sa paghahanap sa minsang mailap, masalimuot at pabago-bagong “katotohanan.”

Ang popular na kultura’y karaniwang ipinipaliwanag na isang kulturang sumasabay sa agos, o yung “go with the flow” na aktitud, mula sa mga pinakasimpleng bagay tulad ng pananamit, hanggang sa mga kumplikadong bagay tulad ng pagtinigin ng isang tao ukol sa kahirapan at sa kayamanan. Sinasaklaw nito ang malaking bahagi ng populasyon, kaalinsabay ang mababaw na pagintindi sa pinagmulan ng sinusundan o iniidolong gawi at kaisipan.

Kamakailan lang ay nabasa ko sa isang artikulo tungkol sa pagka-dismaya ng mga netizens sa prenup photo session ng host na sina Billy Crawford at aktres na si Coleen Garcia sa Addis Ababa, bansang Ethiopia. Dinumog ng magkahalong maganda at pangit na komento ang kanilang photo shoot. Ang iba ay pumabor sa magkasintahan at sinabing walang pinagkaiba ang mga litrato kung sa kalsada ng Japan, U.S.A. o sa Europe sila nag-prenup, parehas lang na tao ang background. O.A. lang daw mag-react ang mga tao at yung iba daw ay naiinggit lang. Ang iba naman, “racist” daw ang mga litrato dahil mga Aprikano ang background nito. Kung anuman ang opinyon mo ukol dito, bahala ka na.

Hindi ito ang unang pagkakataon binobo tayo ng isang kaganapang “popular,” sa konteksto siyempre ng popular na kultura, mula sa “ispageti pataas” ng sexbomb, hanggang sa mga kapita-pitagang mga kanta ni Lito Camo na kadalasang inaawit ng mas mga kapitapitagang ginoo na sina Willy Revillame at Sen. Manny Paqcuiao, nandito na tayo sa panahon ng mga “hypebeast” o yung mga kabataang nagsusuot ng tila magagarang tatak ng damit, kahit aminadong wala silang pambili nito, ito’y kanilang libangan upang makatakas sa mga totoong problema, sa sarili at sa lipunan. Sasabayan pa ng mga pelikula nina Vice Ganda at Vic Sotto na kalimitang eskapista ang tema. Ang mga kanta ng Sexbomb at ni Willy Revillame, na tila inuulit ulit lamang at walang tunguhing esensya, halimbawa na dito ang “boom tarat-tarat” na sikat na sikat kahit tila wala namang kinalaman sa kahit anong aspeto ng buhay ng mga Pilipino, walang talino at tila tuyong tuyo sa depinisyon. Repleksyon ito ng popular na kultura.

II. Alamin at pag-ibahin, isang elementaryang paalala ni Bob

Isa sa mga musikerong itinuturing ng mga kritiko na henyo pagdating sa lirisismo ay si Robert Nesta Marley, o mas kilala sa tawag na Bob Marley, siya yung malimit makitang nakatatak ang mukha sa mga t-shirt na kadalasang may kulay na ginto, luntian, pula, at itim. Siya yung kung tawagin ay “rastaman,” o di kaya’y “rockers” ng mga nakatatandang ale o mama. Naka-dreadlocks ang buhok at tila gusgusing maituturing. Pero malalim ang pinaguugatan ng kaniyang itsura at maging ng kayng mga kanta. Si Bob Marley ay nabibilang sa isa sa mga indigenous people ng Jamaica, ang mga Rastafarian, ang kanilang paniniwala’t pilosopiya ay mahigpit na naka-ugnay sa sosyalismo – pagbibigayan at pagkakapantay pantay ng lahat ng tao sa panahon ng modernong teknolohiya, na nakabatay sa anti-imperyalistang pakikibaka. Ang bawat kulay sa kanilang watawat ay may kaukulang simbolo — ginto: kayamanan ng bansang Aprika sa minerales at iba pang likas na yaman, pula: dugo ng mga Aprikanong alipin na nagbuwis ng buhay, luntian: ang tila hindi matapos tapos na lawak ng lupain ng Aprika, at itim: kulay ng kanilang balat na hindi nila ikinahihiya. Umusbong ang kanilang pilosopiya mula kay Marcus Garvey, isang makabayang Jamaican na nanirahan sa New York noong ika-labing siyam na siglo. Si Marley ay maraming isinulat at inawit na kanta, ngunit ilan lamang dito ang sumikat at pinatugtog sa radyo, malimit din sa “bar” sa mga “beach” ito marinig at sa mga tugtugan sa kamaynilaan, “Waiting in vain,” ang isa sa mga kilalang kanta niya na sumikat dito sa Pilipinas, ito ay tungkol sa pag-ibig na tila hindi na darating, pero hinihintay pa din. Maraming kanta si Marley tungkol sa romantikong pag-ibig, tulad ng “Stir It up,” “guava jelly,” at “is this love,” ngunit lingid sa kaalaman ng marami, mas maraming kantang pulitikal si Marley, mga kantang tungkol sa protesta, giyera, o anti-gyera, na talaga namang mas tampok sa kanyang mga inilabas na album. Ilan sa mga kanta niyang pulitikal ay ang “war,” isang talumpating isinalin sa kanta, na tungkol sa di pantay na trato sa mga Aprikano sa buong mundo na nagdudulot ng sigalot, ang “get up, stand up,” na tungkol sa pag laban sa karapatan at nagpapaliwanag sa halaga ng buhay ng tao, ang “them belly full,” na tungkol sa gutom at galit ng mamamayang pinahihirapan ng sistema, ang “Africa unite,” na tungkol sa paghihimok niyang magkaisa ang lahat ng Aprikanong bansa tungo sa kaunlaran at sariling pagpapasya, ang “i shot the sherriff,” na tungkol sa police brutality at pagkakapatay niya sa isang “sherrif,” ngunit hindi sa “deputy,” isang rebelasyon na hindi niya kinikilala ang kapangayarihan ng isang otoridad na pamunuan siya, at ang isa sa aking mga paborito, ang “real situation,” na nanawagan ng rebolusyon sa mga aping bansa sa buong mundo. 80% ng nasulat at inilabas na kanta ni Bob Marley ay pulitikal at may tunguhing protesta, kahit sa kanyang mga interbyu nung nabubuhay pa siya ay madalang siyang magpahiwatig na ang romantikong pagiibigang indibidwal ang sagot sa kahirapan at kabalintunaan ng mundo, ngunit ganoon siya inilako ng popular na kultura, itinuring ang reggae na pampa-relax, “good vibes music,” ika nga ng iba, at tugtuging bagay na bagay kapag ika’y nasa dagat habang umiinom ng malamig na serbesa. Malayong malayo ito sa konteksto ng musika ni Bob Marley, na isang rebolusyonaryo kung ituring ng kanyang mga kasabayan.

Pinalalabnaw at kung minsa’y tahasang iniiba ng popular na kultura ang konteksto ng mga pangyayari sa daigdig, siguro’y upang mas madaling nguyain ng masa ang esensya nito, pwede rin namang upang mas mailako ito ng mas madali, at kumita ng mas malaki.

III. Sukatan ng tagumpay, ayon sa kambing

Kung pera lamang at kasikatan ang sukatan ng pagiging matagumpay, marahil hindi kailanman makakamit ng sangkatauhan ang mithiin nitong “tagumpay.” Kung dami lang ng likers at followers sa mga social media sites ang batayan ng isang “matagumpay” na personalidad, marahil kailangan natin mag nilay-nilay sa kung ano ba talaga ang taglay na halagang kaakibat ng kasikatan. Eh ano nga ba talaga ang itsura ng ng isang matagumpay na nilalang? Yung may kotse, malaking bahay, magandang bahay, sikat na sikat dahil may pangalan? (pasintabi kay Bobby Balingit) Ewan ko.

Ang kasikata’y may kaakibat na responsibilidad, yun ang sabi nila. Malaki at malawak ang epekto ng sinasabi at ginagawa ng isang sikat na artista sa kanyang manonood — mula sa paghubog ng popular na opinion, hanggang sa pagpili ng tatak na damit at produktong bibilhin.

Sa mundong mahigpit pa sa sinturon ni Juan ang kumpitensya, maiiwan kang tuluyan kung hindi ka marunong sumayaw sa tugtugin ng “tuntungan sa ibabaw ng ulo ang inyong kapwa para gumihawa,” at sa mga hindi pipili ng nakasanayan ay mananatiling aba, at kadalasa’y ka-dusta-dusta pa.

Ang hamon ay ang pag pili – mula sa pinapanood at pinakikinggan, hanggang sa susundin at gagawaran ng pag-hanga. Ang kultura ay isang sandatang makapag liligtas sa atin mula sa kamangmangan, isang epektibong sangkap sa pagpapaunlad ng sarili at bayan, kung ito’y mababaw, tayo’y hindi malulunod, ngunit hindi mabibigyan ng pagkakataong sisirin ang kailalaimang tiyak na may itinatagong mga kahanga-hangang katangian at puno ng makukulay na simbolo’t kahulugan.

TRAIN-driven rising cost of living makes wage hike urgent

0

Research group IBON said that tax-driven inflation is making the meager wages of poor Filipinos fall even further behind the rising cost of living. The group said this makes it even more urgent for the government to immediately raise wages even as it revisits the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law behind the increase in consumption taxes. The Duterte administration would be insensitive if it continues to resist the clamor for a decent national minimum wage.

IBON said that accelerating inflation has increased the family living wage (FLW) in the National Capital Region (NCR) and elsewhere. IBON computations show that as of June 2018, a family of six needs Php1,175 to meet their basic needs, while a family of five needs Php979. The FLW has increased by Php65 for a family of six and by Php54 for a family of five in June 2018 from the same period last year.

As it is, said the group, the NCR nominal minimum wage of Php512 is falling even further behind the rising cost of living. The NCR nominal wage is only 44% of the FLW for a family of six, and 52% of the FLW for a family of five with a wage gap of Php663 (56%) and Php467 (48%), respectively. The wage gap will continue to widen as inflation erodes the minimum wage.

Reacting to economic planning secretary Ernesto Pernia who said that a wage hike is not necessary, the group said that an immediate wage hike will help poor Filipinos cope with price spikes. The Duterte administration can respond to the demand of labor groups for a Php750 national minimum wage. IBON stressed that there are enough profits in the economy and among corporations to support the substantial increase in the minimum wage needed by workers and their families.

IBON also belied claims by the country’s economic managers in their joint statement on the June 2018 inflation that TRAIN’s reduction of personal income taxes, cash transfers, and allocation for free social and economic services “should help in coping with the rising prices of goods”.

The group said that their assertion that TRAIN “increased the take-home pay of 99% of income tax payers” is grossly deceitful because they know that only around 7.5 million or one-third (33%) of Filipino families are income tax payers. Of these, some two (2) million were already exempt from paying income tax even before TRAIN because they were only minimum wage earners. This means that 17.2 million or over three-fourths (76%) of Filipino families suffer inflation but without any increased take-home pay.

IBON also said that the government should stop hyping TRAIN’s cash transfers because when they are ended by 2020 the higher prices of goods and services due to TRAIN will remain. The group said that the Duterte administration’s unrepentant defense of TRAIN is daily affirmation of its callousness to the plight of tens of millions of poor Filipinos and its refusal to replace TRAIN with a more genuinely progressive tax package that is unafraid to tax the rich. ###

IFI bishop slams gov’t over arrest of ‘Gensan 13’

0

Iglesia Filipina Independiente (IFI) Bishop Felixberto Calang has questioned the way more than a dozen individuals were arrested by law enforcers in General Santos City on Wednesday night.

Fare hike now a burden imposed by Duterte admin to commuters

0

For the militant labor group Kilusang Mayo Uno, the P1 fare hike recently approved by the Land Transportation Franchising and Regulatory Board will not provide direct benefit to the workers in the transport sector.

NDFP’s Alan Jazmines on national industrialization & the peace talks

Below is an interview with Alan Jazmines, member of the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Reciprocal Working Group on Social Economic Reforms, on issues regarding national industrialization as provided in the NDFP draft on the Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (Caser).

The Government of the Republic of the Philippines (GRP)’s often repeated line is that “national industrialization is passe.” In gist, what is national industrialization, and how will the people benefit from it?

National industrialization refers to the development of manufacturing — from “micro”, “small”, and “medium”, all the way to “heavy” industries, and related economic developments in the country.

“Micro” industries refer to the mostly individual manufacturing of small volumes of products, that are hand-made (or with the use of very simple, light hand tools, like scissors, small hammers, and manual sewing machines), such as hand-made clothes, hand-crafted shoes, handicrafts, and other handicrafts. “Small” industries use a little higher level of tools, but are still at a very low level of technology, and still generally also operated by hand. “Medium” industries are at a higher level, needing higher skills and levels of equipment.

“Heavy” industries are at the highest level of technology and economic development, and generally set the over-all level of industrial development in a country. National development of “heavy” industries, aside from those at lower levels, has long remained very much wanting and is a must for the real and full development of backward, non-industrialized economies, like in the Philippines.

History has shown that fully-supported and developed national industries, together with genuine land reform, have been the pillars of genuine development, that enable industrialized countries to be independent of foreign capitalist powers, and thus be able rise on their own towards economic and social progress.

On the other hand, our country has for long remained quite economically backward, as there has been very little real and significant industrial development in the country. Our country urgently needs to catch up from its very low level of industrialization. Bulk of supposed “industrialization” attained in the country is actually just subcontracting or semi-manufacturing.

The very low level of industrialization in our country has been resulting in very little room for local employment. Thus, more than a dozen of millions now, have gone abroad as Overseas Filipino Workers (OFWs), to earn there much needed income for the support of their families back home. The remittances back home of their earnings abroad has now become the number one source of income for people in the country. In the meantime, unemployment back home remains massive and continues to grow.

Another leading source of income for the country has been the business processing operations (BPO) and call centers. These are located locally by foreign operators to cheapen the salaries of their English-speaking and internet-proficient operators. These have no relation at all to real industrial development in the country, and are actually only serving U.S. and other First World businesses.

The rise in income, due to the upsurge of OFWs and BPO employment has tremendously increased commerce and merchandise in the country, but has nil effect in the development of industry and the real economy in the country.

In the meantime, the ruling regimes in the country have only been mouthing the promotion of “micro, small and medium industries” — unmindful of the urgent need for the prioritization of the development of more solid heavy industries.

What is keeping the GRP from implementing national industrialization?

During the period of the Filipino First Policy of the Garcia administration, the presidency was programed to giving full thrust to the industrial progress of the country, centering on the development of local heavy industries. This was implemented hand-in-hand with the policy of promoting Filipino ownership and replacing foreign ownership of industries in the country. The Garcia presidency’s Filipino First Policy gave strong support for the development of heavy industries, including the local manufacture of steel — in order to replace foreign control of the local steel industry and the whole economy, which has long been serving to block the country’s development of its own industries.

U.S. intervention, however, ensured the downfall of the Garcia administration and the waste-basketting of the latter’s Filipino First Policy. Under the baton of neoliberalization dictated by the U.S., with the connivance of other imperialist powers, the succeeding GRP regimes fully opened up the Philippine economy not only to imports, but also to foreign ownership of industries and other economic interests. Local big businesses blossomed, not actually due to local industrial development, but because of the prioritization and upsurge of commerce and merchandise.

Even as the Philippine economy is still trapped in semi-feudal and semi-colonial backwardness, what can the Duterte regime do to advance national industrialization?

The National Democratic Front of the Philippines (NDFP) has been presenting to the Duterte regime a whole package of proposals for a comprehensive agreement for the development of national industrialization and economic development. Included in the package are substantive and concrete proposals for the advance of national industrialization with necessary responsible state intervention and protection, and the junking of neoliberal investment, financial and trade cages, that for decades now have been locked by the dictates and maneuverings of U.S. and other imperialist powers.

The NDFP’s package of proposals entails decisively breaking away from foreign monopoly control of the economy, developing the people’s human resources and the country’s independent economy, building government competence and efficiency, providing full government and people’s support to industrial and over-all socio-economic advances, and ensuring that socio-economic development would benefit the mass of the people.

Will the “Build, Build, Build” program, a cornerstone of the Duterte regime’s economic policy, genuinely uplift the conditions of the Filipino people? Why or why not?

It will not suffice to just depend on massive infrastructure building (as projected in the Duterte regime’s “Build, build, build” cornerstone program), for the national economy to develop. There may be immediate advances in infrastructure building, which would show some temporary increase in some economic activity during the implementation of the building. But such cannot replace the need for real and solid, long-term economic development, through national industrialization, as well as the need for other long-since awaited socio-economic advances (including boosting agricultural production and the interests of the oppressed peasants, through the implementation of genuine land reform in the rural areas).

How can national industrialization help in upholding people’s rights?

National industrialization would be of significant help in the independent, solid development of the economy of the nation, and of the rights and welfare of the people.

It would also ensure that the forces behind it and providing manpower to it, and also the people it should be benefiting would be given the necessary protection and advancement of their rights and interests.

How do you envision the protection of workers, and the advancing of their rights and interests in the NDFP’s national industrialization proposal?

Recognizing that the workers have a pivotal role in production — with production actually coming from their hands — workers should have a central role in national industrialization, with their protection guaranteed and their rights advanced.

More comprehensive labor laws in the interest of the workers should be worked out, with their democratic rights and participation in the setting up and operations of industries fully enhanced.

Workers’ unions, cooperatives and councils, and other forms of workers’ participation to ensure democracy in the operations of industries shall be guaranteed. Such should be further strengthened through the encouragement of and incentives for workers’ active participation in collective ownership, and in the actual operations of industrial enterprises, and also of farms run along capitalist lines.

Community-based cooperatives and community-run efforts, that support the program of industrialization and rural development, and that address the need of the people for affordable, quality and reliable goods and services, shall also be encouraged and protected.

Social services in education, health, housing, and social security are vital for the participation and well-being of the working people. These need to be also aligned with the program of industrialization and national development. Public education, health, housing, and social security systems shall be strengthened and privately-provided social services shall be supervised and regulated.

Would there be a role of the NDFP forces at the ground level in the move to implement national industrialization?

NDFP forces, including mass organizations at the ground level, shall contribute their knowledge, skills and labor power in the active promotion and support of national industrialization, including industrial development projects and the promotion of livelihood programs and activities at the ground level, and in helping in organizing the people and boosting their participation in these programs, both in the urban and rural areas.

NDFP forces, including mass organizations, shall also actively help in the promotion of these projects and programs, in the education and organizing of the people for the promotion, support and protection of national industrialization projects and programs at the ground level, and in helping resolve problems that may crop up in the implementation of these projects and programs.

Duterte bulnerable

Sa halos dalawang taon ng pagkapangulo ni Rodrigo Duterte, pwede nang ihanay ang mga pampulitikang kahinaan ng rehimen niya: “Gera kontra-droga” at paglabag sa karapatang pantao. Pagpapakatuta sa China sa harap ng agresibong pag-angkin nito sa mga teritoryo ng Pilipinas. Sumasahol na kalagayan ng mga magsasaka, manggagawa at iba pang maralita, taliwas sa mga maka-masang pangako ng pangulo. At panggigipit sa mga kalaban sa pulitika.

Ang mga isyung ito ang nagpapakulo ng diskuntento ng malawak na mamamayan laban sa rehimen. Sila rin ang nag-uudyok ng batikos ng mga nagsasalita mula sa mga panggitnang uri. At sila rin ang binabangga ng pagtutol ng iba’t ibang pwersang pampulitika, tampok ang Simbahang Katoliko, midya at oposisyong elite – sa iba’t ibang antas. Mahigpit din ang pagmamatyag at malakas ang pagtuligsa ng mga internasyual na midya at organisasyon sa rehimen.

Sa nakaraang anim na buwan, relatibong humupa ang “gera kontra-droga,” resulta ng malakas na pagtuligsa sa loob at labas ng bansa. Pero umigting ang iba pang isyu dahil sa mga hakbangin ng rehimen. Dito mauugat ang pinatinding panunupil at pagbabanta ng rehimen sa kasalukuyan.

Umigting ang mga paglabag sa karapatang pantao, puntirya ang Kaliwa, kapwa underground at aboveground, at ang masang sumusuporta rito. Katulad ng pampulitikang panggigipit, layunin din ng paglabag sa karapatang pantao na pahinain ang mga kumokontra sa rehimen.

Nagpapatuloy ang militarisasyon sa mga paaralang Lumad at buong Mindanao. Nagpapatuloy ang ekstra-hudisyal na pagpaslang, tutok ang mga lider-magsasaka sa iba’t ibang panig ng bansa.

Inaresto at tinangkang palabasin ng bansa si Sr. Patricia Fox para “sampolan” ang mga dayuhang aktibista na tumutulong sa mahihirap. Iligal na inaresto at ipiniit ang ilang aktibista na kumikilos sa Metro Manila – sina Maoj Maga (Pebrero) at Alexander Reyes (Hunyo), kapwa ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno. Naglabas ng listahan ng 600 indibidwal, karamihan ay aktibista at rebolusyunaryo, na gustong ipadeklarang terorista sa mga korte.

Pinataas ng mga buwis sa ilalim ng Train Law ang presyo ng mga batayang bilihin, at pinatindi ang paghihirap ng maralita. Nagtaasan ang presyo ng langis at singil sa kuryente at tubig. Nagpapatuloy ang kontraktwalisasyon sa hanay ng mga manggagawa at pagkakait ng lupa sa mga magsasaka, taliwas sa mga pangako ni Duterte. Kaya naman may welga ng obrero sa NutriAsia sa Marilao, Bulacan at kampuhan ng magsasaka sa Lupang Ramos sa Dasmariñas, Cavite – na parehong dinadahas. At tampok ang pagkakaisa ng iba’t ibang grupo ng manggagawa sa protesta sa Mayo Uno sa pangunguna ng KMU.

Hindi pa natuto sa pag-okupa ng mga maralita sa mga tiwangwang na pabahay sa Pandi, Bulacan, hindi pa rin ipinapamigay ng rehimen ang libu-libong katulad na pabahay sa mga walang tirahan. At nitong kumikilos muli ang maralita para mag-okupa ng mga tiwangwang na pabahay, banta ng kamatayan, masaker pa nga, ang pinawalan ni Duterte.

Nagbukas ang rehimen sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines, pero agad ding sinarhan ito. Pagkakataon sana itong matalakay ang mga kinakailangang reporma ng nakakaraming maralita sa bansa. Ilegal na inaresto at ikinulong si Rafael Baylosis, konsultant ng NDFP na nakatutok sa naturang mga reporma. Ang listahan ng 600 indibidwal, sinabi pang babawiin kung papayag ang NDFP sa mga kondisyong itinatakda ng gobyerno.

Nagtagumpay naman ang rehimen sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Mas matindi itong kaso ng panggigipit sa kalaban ng pangulo kumpara sa masahol ring pagpiit kay Sen. Leila de Lima. Mangangahulugan ito ng mas malawak na kapangyarihan ni Duterte at pagsunod ng Korte Suprema sa mga kagustuhan niya. Naramdaman agad ni Bise-presidente Leni Robredo ang direksyon ng atake at sinabing siya na ang susunod na papatalsikin. Bago nito, tinangka ring patahimikin ng rehimen ang Rappler.com na kritikal rito.

Maging si Noynoy Aquino, dating pangulo, ay binabantaan ng pagkakakulong sa pamamagitan ng mga kaso kaugnay ng bakuna ng Dengvaxia at Disbursement Acceleration Program. Tiyak na may mga batayan ang mga kasong ito, at itinutulak mismo ng mga progresibo, pero malinaw ring panggigipit ang layunin dito ng rehimen.

Isa sa pinakamatinding isyung tumama sa rehimen ang sunud-sunod na hambog na pag-angkin ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas. Rurok ang pagtatayo ng base-militar sa Spratly islands, na nagdadala ng panganib sa bansa at labag sa Konstitusyong 1987 na nagbabawal sa dayuhang base-militar maliban kung may kasunduan sa Senado. Nakakasuklam ang mga pahayag kaugnay rito ng rehimen: mala-aliping pagpapaliwanag sa panig ng China, kahit nagtatapang-tapangan minsan kapag naitulak ng pagkondena. Kung umasta ang rehimen, para bang napagkasunduan na ni Duterte at ng China ang ganito at hindi na mababago pa.

Sinasamantala naman ng US at mga alipores nito ang mga aktibidad ng China para itulak ang mas malawak na presensyang militar ng US sa bansa. Tuluy-tuloy ang pagsasanay-militar ng US at Pilipinas sa kabila ng pangako ni Duterte na huli na ang naganap noong 2016. Patuloy ang rehimen sa paglilingkod sa US kahit pa naglilingkod pa rin ito sa China.

Kaso rin ng pampulitikang pag-atake ang pagpatay sa mga pari ng Simbahang Katoliko. Tatlo na ang pinatay nitong mga nakaraang buwan: Richmond Nilo (Nueva Ecija, Hunyo 2018), Mark Ventura (Cagayan Valley, Abril 2018), at Marcelito Paez (Nueva Ecija, Disyembre 2017). Nakaligtas naman sa pananambang si Rey Urmenta ng Calamba, Laguna nitong Hunyo.

Marami sa mga nabanggit ang may mga progresibong adbokasiya. Sa pagpatay sa kanila, inaatake ang Simbahang Katoliko at ang mga sektor at kampanyang kanilang ipinaglalaban. Inatake ang mga pwedeng manguna sa paglaban sa rehimeng Duterte kung magpapasya ang pamunuan ng Simbahang Katoliko na maging mas aktibo rito.

Mahalagang igiit: kaso rin ng pampulitikang pag-atake ang brutal na pagpatay kay Atty. Madonna Joy Tanyag, abogado ng Ombudsman, 33 taong gulang, limang-buwang buntis, at aktibista noong hayskul at kolehiyo. Marami siyang hawak na kaso na malalaking pulitiko ang isinasakdal. Sa pagpatay sa kanya, bahagyang nakahinga ang naturang mga pulitiko at nakapaghatid ng banta kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, na itinuturing ding kalaban ng rehimen.

Hindi maihihiwalay ang pagpatay kay Atty. Tanyag sa kaliwa’t kanang pagpatay at pag-atake sa mga kritiko at kalaban ng rehimen – at sa malawakang patayan na dulot ng militar, pulisya at mga pwersa ng Estado. Maaalala sa tatlong saksak na tinamo ng buntis niyang katawan hindi ang karaniwang biktima ng malulupit na krimen, kundi si Kian delos Santos. Kung matatandaan, si Delos Santos ang 17-taong gulang na pinagbintangang tulak ng droga na binaril sa likod ng ulo. Tila ang motibo sa pareho: manakot, magbigay ng halimbawa sa publiko.

Matapos ang naturang mga pagpatay, nagbanta si Duterte na magdedeklara ng “state of national emergency” para umano sugpuin ang “lumalaganap na kriminalidad.” Ang totoo, magiging lang ekstensyon ito ng naturang deklarasyon niya noong 2016, nang may sumabog na bomba sa Davao na pumatay sa mahigit 12 katao. Pagpapalawig din ito sa buong bansa ng martial law sa Mindanao na nagsimula noong Mayo 2017, matapos ang kaguluhan sa Marawi.

Matapos ang ilang araw, binawi ni Duterte ang banta, mag-iisip daw siya ng ibang paraan. Ilang araw pagkatapos, malawakan nang inaaresto ang mga “istambay” sa Kamaynilaan, kung saan isa na ang namatay sa kulungan. Pinapatindi ang militarisasyon sa kanayunan at iba pang porma ng panunupil.

Sa isang banda, mayroong di-deklaradong martial law sa bansa; tuluy-tuloy ang pandarahas ng rehimen sa mga mamamayan at itinuturing nitong kalaban. Sa kabilang banda, iba pa rin ang pormal na deklarasyon ng batas militar. Hudyat ito ng mas matindi pang panunupil, pandarahas at pagpatay. Sa kaso ng huling banta ni Duterte, ang dugo ng mga biktima ng rehimen ang gagamitin pa sanang batayan para sa pagpapadanak ng mas maraming dugo.

Pero hindi maitatago ni Duterte: ang pagbabanta niya ng batas militar, tugon sa tumitinding diskuntento, pagtutol at protesta ng mamamayan. Gusto niyang magpakita ng lakas, pero lalong nakikita ang kanyang kahinaan. Ang nagpapalakas ng pagtutol ng sambayanan, ang mga hakbangin niya na nagsusulong ng interes ng mga imperyalistang bansang US at China, mga naghaharing uri sa bansa, at ng sariling rehimen.

Sa banta niyang ito, ipinapakita niya ang pwersang pinaka-sinasandigan niya: ang mapanupil na aparato ng Estado, ang militar at pulisya, sa suporta ng US at China at mga naghaharing uri, lalo na ang mga Marcos at Macapagal-Arroyo na mga kampeon ng pusakal na panunupil sa mamamayan. Kinukutya niya ang Diyos na sinasamba ng mga Pilipino, pero malinaw kung sinu-sino ang mga diyus-diyosan niya.

Sa patuloy na pagkabulok ng rehimeng Duterte, hinahamon ang paglakas ng apoy ng paglaban ng sambayanan na tutupok dito.

28 Hunyo 2018